Naganap kagabi at kaninang madaling araw sa Hong Kong International Airport ang insidente ng pag-atake ng mga radikal sa isang manlalakbay at isang mamamahayag na galing sa mainland ng China. Ang insidenteng ito ay buong tinding kinondena ngayong araw, Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2019, ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, at Tanggapang Liasyon ng Sentral na Pamahalaan sa Hong Kong.
Sinabi ng dalawang departamento, na ang naturang marahas na insidente ay malapit na sa terorismo. Ipinahayag din nila ang pagkatig sa panig pulisya ng Hong Kong, na dakpin alinsunod sa batas ang mga may kagagawan ng insidenteng ito.
Salin: Liu Kai