Nang pag-usapan ng mga Ministrong Panlabas na sina Wang Yi ng Tsina, Kang Kyung-wha ng Timog Korea, at Taro Kono ng Hapon ang tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Hong Kong, nagpahayag ang huling dalawa ng kanilang pagkabahala sa seguridad ng kanilang mga negosyo at mamamayan sa Hong Kong.
Bilang tugon, isinalaysay ni Wang ang proseso ng pag-unlad ng kasalukuyang situwasyon ng Hong Kong at esensya ng panghihimasok dito ng mga dayuhang puwersa. Ani Wang, ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi nito pinahihitulutan ang pakiki-alam ng kahit anong dayuhang puwersa. Patuloy at buong tatag na tutupdin ng pamahalaang sentral ang polisyang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" upang mapangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, ani Wang.
Dagdag pa niya, nauunawaan ng panig Tsino ang naturang pagkabahala ng ilang bansa. Naniniwala aniya ang pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) na pangalagaan ang kanilang lehitimong karapatan at kapakanan sa Hong Kong alinsunod sa batas.
Salin: Lito