|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagkakaisa at pagsisikap para mapahupa ang karalitaan, mapalago ang de-kalidad na pag-unlad, at mapasulong ang pangangalaga sa kapaligiran, para matiyak ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Winika ito ni Xi sa kanyang paglalakbay-suri sa iba't ibang lugar ng Gansu, lalagiwan sa hilaga-kanluran ng Tsina, mula nitong Lunes hanggang Huwebes.
Sa kanyang biyahe, nanawagan din si Xi sa kompiyansa, inobasyon, konkretong aksyon at pagkakaisa para itatag ang maganda at masaganang Gansu.
Pangangalaga sa pamanang kultural
Sa kanyang pagbisita sa Mogao Grottoes sa Dunhuang, ipinagdiinan ni Xi ang pagpupursige para maisalin sa hene-henerasyon ang mga pamanang kultural. Sa Dunhuang Academy, kinikilala ni Xi ang kultura ng Dunhuang bilang bunga ng matagal na pagpapalitang pangkultura at pagtututo sa isa' isa sa pagitan ng kalinangang Tsino at iba pang mga kalinangan. Nanagawan din siya sa mas mahigpit na pagpapalitang pangkultura. Binigyang-diin din ni Xi ang pangangailangan sa pag-aaral sa kultura ng Dunhuang para paglingkuran ang Belt and Road Initiative (BRI) at ibayo pang mapasulong ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Tsina at iba pang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Sa kanyang pagdalaw sa Jiayu Pass ng Great Wall, hiniling ni Xi sa mga may kinalamang panig na mas mabuting galugarin ang kahalagahang kultural ng Great Wall at pasulungin ang preserbasyon dito.
Pangangalaga sa kapaligiran, pagpapabuti ng pamumuhay
Sa isang horse ranch naman sa Shandan, makaraang suriin ang pastulan at pakinggan ang ulat hinggil sa proteksyong ekolohikal sa Qilian Mountains, ipinahayag ni Xi ang pangangailangan sa pagtutok sa pangangalaga sa kapaligiran para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad, at pagkabalanse sa pagitan ng produksyon at kapaligiran, at pagpapasulong ng mga sustenableng industriyang nangangalaga sa kapaligiran.
Sa kanyang pananatili sa Lanzhou, ipinahayag din ni Xi ang pagpapahalaga sa pangangalaga sa Yellow River, isa sa pinanggagalingan ng kalinangan ng nasyong Tsino.
Pagtatatag ng masaganang Gansu
Sa kanyang apat na araw na biyahe sa Gansu, ipinagdiinan ni Xi ang pangangailangan na lutasin ang mga isyung lubos na ikinababahala ng mga mamamayan na gaya ng edukasyon, serbisyong medikal at transportasyon, para matiyak ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |