Binuksan Lunes, Agosto 26, 2019 sa Chongqing, Tsina ang 2019 Smart China Expo (SCE). Nagpadala ng liham na pambati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, pabagu-bago ang mga modernong teknolohiya ng impormasyon na gaya ng internet, big data at Artificial Intelligence (AI), masiglang sumusulong ang bagong round ng rebolusyon ng siyensiya't teknolohiya at renobasyon ng industriya, at mabilis na umuunlad ang intelligent industry, bagay na nagbunsod ng mahalaga't malalimang epekto sa mga aspektong gaya ng pag-unlad ng kabuhayan, progreso ng lipunan, at pagsasaayos ng daigdig.
Diin ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng intelligence industry, pinapabilis ang digital industrialization at industry digitalization, at pinapasulong ang malalimang pagkakahalu-halo ng digital economy at real economy. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na likhain ang intelligence age, at tamasahin ang bunga ng intelligent industry.
Salin: Vera