Ipinalabas kamakailan ng G7 Summit ang pahayag kung saan inulit ang pagiging sustenable at pagpapahalaga ng "Magkasanib na Anunsyo ng Tsina at Britanya" at nanawagang iwasan ang karahasan. Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Martes, Agosto 27, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang karapatan ang kahit anong bansa at organisasyong manghimasok sa mga suliranin ng Hong Kong sa katwiran ng nasabing anunsyo.
Ani Geng, ipinahayag ng panig Tsino ang buong tinding kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol sa pagsasalita ng G7 Summit tungkol sa suliranin ng Hong Kong. Ipinagdiinan niya na ang mga suliranin ng Hong Kong ay ganap na suliraning panloob ng Tsina. Ang nukleong hangarin at nilalaman ng "Magkasanib na Anunsyo ng Tsina at Britanya" ay tumiyak sa pagbawi ng Tsina sa Hong Kong at pagpapanumbalik ng soberanya nito sa Hong Kong, dagdag pa niya.
Salin: Lito