|
||||||||
|
||
Kinatagpo Biyernes, Agosto 30 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si dumadalaw na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas. Sinabi ni Premyer Li na mas marami ang komong interes kaysa sa pagkakaiba sa pagitan ng Tsina't Pilipinas. Nakahanda aniya ang Tsina na pasulungin pa ang sinerhiya sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at Build Build Build program para mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy rin ni Li, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea, at mapayapang nakikipamuhayan ang iba't ibang bansa sa paligid ng nasabing karagatan. Taglay ang buong pusong sinseridad, laging nakahanda ang Tsina, kasama ng Pilipinas at iba pang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na magsikap para marating ang Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa panahon kung kailan ang Pilipinas ay nagsisilbi bilang bansang tagapagkoordina para sa mga relasyon ng Tsina at ASEAN. Layon nitong pasulungin ang magkasamang paggagalugad ng langis at gas sa karagatan, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at rehiyon. Sa gayon, maaari ring ipakita sa daigdig na may kakayahan ang mga bansa sa rehiyon na maayos na hakawan ang mga may kinalamang isyu.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte na lubos na pinapurihan ng panig Pilipino ang mainam na relasyong Pilipino-Sino, batay sa tradisyonal na pagkakaibigan. Bunga nito, mahigpit ang pagdadalawan sa mataas na antas, maayos ang diyalogo at komunikasyon, at matatag at progresibo ang mga pragmatikong pagtutulungan.
Nais aniya ng pamahalaang Pilipino na palawakin pa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, pagpapalitang pangkultura at iba pa, para mapasulong ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon at magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Diin ni Duterte, hindi kailanman makikipagkomprontasyon ang Pilipinas sa Tsina. Bilang bansang tagapagkoordina para sa mga relasyon ng Tsina at ASEAN, nakahanda ang Pilipinas na magsikap, kasama ng Tsina at iba pang mga bansa ng ASEAN, para mapasulong ang pagpirma sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa loob ng kanyang termino.
Nakahanda rin aniya ang Pilipinas na makipagtulungan sa Tsina sa paggagalugad ng langis at gas sa karagatan. Ang mga bansang Kanluranin ay hindi katalastasan ng COC, at hindi nila dapat hadlangan ang pagsisikap dito ng mga may kinalamang bansa sa rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |