Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-2 ng Setyembre 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang igigiit ng iba't ibang may kinalamang panig ng Myanmar ang talastasang pangkapayapaan, para ipagpatuloy ang tigil-putukan sa kahilagaan ng bansang ito.
Winika ito ni Geng, kaugnay ng pagpapatalastas ng panig opisyal ng Myanmar na palalawigin hanggang sa ika-21 ng buwang ito ang tigil-putukan sa kahilagaan ng bansa. Ito'y makaraang makipagtalastasan ang pamahalaan ng bansa sa 4 na lokal na armadong puwersa.
Sinabi rin ni Geng, na ang tigil-putukan sa kahilagaan ng Myanmar ay makakabuti sa kapayapaan at katahimikan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar, at ito ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan. Patuloy na patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel para rito, dagdag niya.
Salin: Liu Kai