Sa bisperas ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng China International Publishing Group (CIPG), nagpadala ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang taos-pusong pangungumusta sa lahat ng mga manggagawa nito, at mga daluhasa't kaibigang dayuhan na kumakatig sa usapin ng komunikasyong pandaigdig ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 70 taon, komprehensibong isinalaysay ng CIPG ang pag-unlad at pagbabago ng Tsina sa ibayong dagat, at aktibong pinasulong ang pagkakaibigan't pagpapalitan ng Tsina at ibang bansa.
Diin ni Xi, sa ilalim ng bagong kalagayan, humihigpit ang pag-uugnayan ng Tsina at daigdig. Umaasa aniya siyang walang humpay na patataasin ng CIPG ang kakayahan at lebel sa komunikasyong pandaigdig, masipag na itatatag ang primera klaseng organo ng komunikasyong pandaigdig, at mas mainam na isasalaysay sa daigdig ang Tsina sa bagong panahon.
Salin: Vera