Ginanap Biyernes ng gabi, Agosto 30, 2019 sa National Aquatics Center, o kilala rin bilang Water Cube, sa Beijing ang seremonya ng pagbubukas ng International Basketball Federation (#FIBA) Basketball World Cup 2019.
Dumalo rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ipinatalastas niya ang pagbubukas ng palarong ito.
Kasama rin sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang siyang tanging imbitadong lider ng ibang bansa.
Nasa grupong D ang Gilas Pilipinas, at ang Foshan, Lalawigang Guangdong sa timog Tsina, ay pagdarausan ng lahat ng mga paligsahan ng grupong D. Simula bukas ng gabi, magkakasunod na haharapin ng Gilas Pilipinas ang mga koponan ng Italya, Serbia, at Angola.
Salin: Liu Kai