|
||||||||
|
||
Hanoi, Biyetnam — Sa pagtataguyod ng Chinese diplomatic corps sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Sekretaryat ng ASEAN, at United Nations Development Programme (UNDP), idinaos Miyerkules ng hapon, Setyembre 4, 2019 ang Simposyum ng Sustenableng Pag-unlad at Inobasyon at Pagbabawas ng Karalitaan.
Ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na kapansin-pansin ang natamong bunga ng kooperasyong Sino-ASEAN sa pagbabawas ng karalitaan. Aniya, kasalukuyang nagsisikap ang dalawang panig para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa sustenableng pag-unlad at hanapin ang bagong growth point ng kooperasyong ito.
Tatagal ng dalawang araw ang nasabing simposyum na dinaluhan ng mahigit isang daang opisyal, iskolar, at mamamahayag mula sa Tsina, mga bansang ASEAN, UN, at mga kaukulang organo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |