Nag-usap sa telepono nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 4, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng
Alemanya.Umayon ang dalawang lider na ibayo pang pasusulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Merkel ang pagpapahalaga ng Alemanya sa pagpapasulong ng relasyon sa Tsina sa iba' t ibang larangan. Ipinahayag din niya ang kanyang pananabik sa pagsasagawa ng gaganaping ika-12 pagdalaw sa Tsina para mapalakas ang bilateral na kooperasyon. Ang kanyang gagawing pagdalaw ay magpapakita sa daigdig na ang Alemanya't Tsina ay patuloy na nagpapanatili ng mainam na relasyon, sa kabila ng kinakaharap na masalimuot na situwasyong pandaigdig, dagdag ni Merkel.
Ipinahayag naman ni Li ang mainit na pagtanggap kay Merkel sa kanyang gaganaping pagdalaw. Nakahanda aniya ang Tsina na makipagkapit-bisig sa Alemanya, para mapahigpit ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, mapasulong ang komprehensibong kooperasyon, suportahan ang multilateralismo at malayang kalakalan, at mapanatili ang sustenable at malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac