|
||||||||
|
||
Nagtagpo nitong Biyernes, Hunyo 29 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, sa sidelines ng G20 Summit sa Osaka, Hapon. Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang pagsuporta sa pananangan sa multilateralismo. Nakahanda rin silang pahigpitin ang koordinasyon sa mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, reporma sa World Trade Organization (WTO) at iba pa, bilang tugon sa napakasalimuot na situwasyong pandaigdig.
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa mga kompanyang Aleman na sasamantalahin ang ibayo pang pagbubukas sa labas ng Tsina upang palawakin ang pamumuhunan sa bansa. Inaasahan din ng pangulong Tsino ang pagpapalakas ng pagtutulungang pang-inobasyon ng mga kompanya at institusyon ng pananaliksik ng dalawang bansa sa larangan ng autonomous driving, artificial intelligence (AI), at 5G communication technology.
Ipinahayag naman ni Merkel ang hangarin ng panig Aleman sa pakikipagtulungan sa Tsina sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI), para mapasulong ang relasyong Sino-Aleman at konektibidad ng Tsina at Uniyong Europeo (EU), at lagdaan ang Kasunduang Pampamumuhunan ng Tsinas at EU.
Nagpalitan din ang dalawang lider ang kuru-kuro hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Inulit nila ang paggigiit sa kalutasan sa pamamagitan ng diyalogo.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |