Ayon sa inisyal na estadistika ng Federal Statistical Office ng Alemanya, noong unang hati ng kasalukuyang taon, ang Tsina ay nananatili pa ring mahalagang trade partner ng Alemanya na umabot sa 99.2 bilyong Euro ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa.
Mula noong 2016, ang Tsina ay nananatiling mahalagang katuwang na pangkalakalan ng Alemanya. Noong isang taon, umabot sa 106.2 bilyong Euro ang kabuuang halaga ng mga produktong ina-angkat ng Alemanya mula sa Tsina. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking pinagmumulang bansa ng pag-aangkat ng Alemanya nitong nagdaang apat na taong singkad.
Salin: Lito