|
||||||||
|
||
Sa katatapos na biyeha ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa Tsina nitong Sabado, Setyembre 7, 2019, nakuha ng dalawang panig ang masaganang bunga kaugnay ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Ito ay hindi lamang ibayo pang makakapagpalawak sa kooperasyong Sino-Aleman, kundi makakapagpasigla rin sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Nagiging paunang kondisyon ang pagpapalakas ng pagsasanggunian at pagkokoordinahan ng dalawang bansa para sa pagpapalawak ng kooperasyon. Ito ay nakakatulong hindi lamang sa pagpapalalim ng bilateral na relasyon, kundi sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagang pandaigdig. Maraming personahe mula sa sirkulo ng bahay-kalakal ng Alemanya ang kasama sa nasabing biyahe ni Merkel sa Tsina, at napakalinaw ng kanilang mithiin sa pagpapalalim ng pakikipagkooperasyong pangkabuhayan sa Tsina.
Bukod dito, ang nagawang positibong posisyon ni Merkel sa kanyang pananatili sa Tsina, ay obdiyektibong pagtasa ng isang politikong may malalim na kaalaman tungkol sa pag-unlad ng Tsina. Ito ay makakapagbigay ng positibong lakas sa pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman. Ang isang mainam na relasyong Sino-Aleman ay hindi lamang nakakapagbigay ng benepisyo sa kapwa panig, kundi nakakapagbigay pa ito ng positibong impluwensiya sa relasyong Sino-Europeo at buong daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |