Nag-usap kahapon, Biyernes, ika-6 ng Setyembre 2019, sa Beijing, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Chancellor Angela Merkel ng Alemanya. Sinaksihan din nila ang paglalagda sa mga dokumento sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Sa pag-uusap, binigyang-diin ni Li, na dapat magkasamang pangalagaan ng Tsina at Alemanya ang multilateralismo at malayang kalakalan, at dapat palawakin ng dalawang bansa ang pagbubukas sa isa't isa. Sinabi rin niyang, hindi magbabago ang kahandaan ng Tsina ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at hindi ring magbabago ang patakaran ng bansa sa pagtanggap sa pamumuhunang dayuhan.
Salin:Liu Kai