Beijing, Tsina—Nakipagtagpo Martes ng hapon, Setyembre 10, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawan ng panig Amerikano na kalahok sa diyalogo ng mga mangangalakal ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag ni Li na bilang pinakamalaking maunlad na bansa at umuunlad na bansa sa daigdig, may malawakang komong kapakanan ang Amerika at Tsina. Dapat aniyang sundin ng kapuwa panig ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at hanapin ang kalutasan sa mga alitan na matatanggap ng kapuwa panig.
Saad ni Li, pinapalawak ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at binubuo ang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo. Winewelkam niya ang pamumuhunan sa Tsina ng mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Amerika, upang maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Ipinahayag naman ng mga kinatawang Amerikano na tinututulan nila ang pagpapahina ng relasyong pangkabuhayan sa Tsina. Umaasa silang matatamo ng trade talks ng dalawang bansa ang positibong progreso, at mararating ang kasunduan sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera