Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang makakapagtamo sa lalong madaling panahon ng substansyal na progreso ang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa paggagalugad ng langis at gaas sa South China Sea. Ito aniya ay para magkaroon ng benepisyo ang dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Sinabi ni Hua, na sa panahon ng pagdalaw kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, batay sa komong palagay na narating nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon sa paggagalugad ng langis at gaas sa dagat, ipinatalastas ng dalawang bansa ang pagbuo ng inter-gobyernong magkasanib na komiteng tagapatnubay at working group sa pagitan ng mga may kinalamang bahay-kalakal para sa gawaing ito. Dagdag niya, nagkasundo ang Tsina at Pilipinas hinggil sa mga prinsipyo at mekanismo ng kooperasyon sa paggagalugad ng langis at gaas sa dagat, at pananatilihin ng dalawang panig ang mahigpit na pagsasanggunian hinggil sa konkretong plano ng kooperasyon.
Salin: Frank