Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Linggo, ika-15 ng Setyembre 2019, ng Airport Authority Hong Kong, noong nagdaang Agosto, ang bilang ng mga pasaherong lumipad sa International Airport ng Hong Kong ay bumaba ng 12.4% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon, at samantala, ang bilang ng kargamentong inihatid sa paliparang ito ay bumaba naman ng 11.5%.
Ayon sa nabanggit na awtoridad, ang pagbaba ng bilang ng mga turista sa Hong Kong ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga pasaheo sa paliparan, at ang di-magandang kalagayan ng pandaigdig na kalakalan ay isa sa mga pangunahing dahilan naman ng pagbaba ng bilang ng kargamento. Ang ilang demonstrasyong naganap sa naturang paliparan ay nakaapekto rin sa dalawang bilang na ito, dagdag ng Airport Authority.
Salin: Liu Kai