Ipinalabas nitong Sabado, Setyembre 7, 2019 ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang mahigpit na pagkondena sa muli na namang ilegal na demonstrasyon ng mga radikal sa purok ng Mong Kok at Prince Edward. Bukod dito, isinagawa rin ng mga radikal ang mga aksyong tulad ng pagharang sa kalye, pag-atake sa istasyon ng pulis, pagsunog, at pagsapanganib sa seguridad ng mga pulis at mamamayan.
Sa kabilang dako, pasasalamat naman ang ipinaabot ng HKSAR sa mga pulis, Hong Kong Airport Authority, Hong Kong Railways, at mga kaukulang departamento ng pamahalaan na palagiang nananatili sa kanilang posisyon at puspusang nagsisikap at nagkokooperasyunan para maigarantiya ang maalwang pagtakbo ng daam-bakal at paliparan sa lunsod na ito.
Salin: Lito