Ngayong araw, Linggo, ika-15 ng Setyembre 2019, ay ang ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Sa magasing Qiushi na ilalabas bukas, ilalathala ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPC, kung saan binigyan niya ng mataas na pagtasa ang sistema ng kongresong bayan.
Sinabi ni Xi, na ang sistema ng kongresong bayan ay mahalagang bahagi ng sosyalismong may katangiang Tsino, at saligang sistemang pulitikal din ng pambansang sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng Tsina. Aniya, sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat igiit ang sistema ng kongresong bayan at pabutihin ang sistemang ito, para ibayo pang pasulungin ang sosyalistang demokrasya, at sosyalistang sibilisasyong pulitikal.
Salin: Liu Kai