Muli na namang naganap kahapon ng hapon, Linggo, ika-15 ng Setyembre 2019, sa Hong Kong, ang ilegal na demonstrasyon at muli itong naging marahas na aktibidad. Buong tindi itong kinondena ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at lokal na kapulisan. Sinabi nilang, sinira ng karahasan ang kaligtasan ng mga mamamayan, at nilapastangan ang kaayusan ng lipunan.
Ayon sa ulat, kahapon ng hapon, idinaos ng mga demonstrador sa Causeway Bay, Wan Chai, Central Area, at Admiralty ng Hong Kong, ang demonstrasyong walang-awtorisasyon ng kapulisan. Inokupahan nila ang ilang pangunahing lansangan at sinarhan ang trapiko. Hinagis ng mga radikal ang mga laryo at molotub sa mga lugar na nakapaligid sa tanggapan ng pamahalaan ng HKSAR at Legislative Council. Bukod dito, sinunog din nila ang iba't ibang lugar, at sinira ang mga istasyon ng subway. Nakikita naman sa TV footage, na sinunog ng mga radikal ang isang pambansang watawat ng Tsina.
Kaugnay nito, inulit ng pamahalaan ng HKSAR, na ang karahasan ay hindi solusyon sa mga isyu. Ipinahayag nito ang pag-asang maisasagawa ang diyalogo kasama ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng iba't ibang plataporma, para lutasin ang mga malalimang isyu ng lipunan.
Salin: Liu Kai