Simula ngayong araw, Lunes, ika-16 hanggang ika-22 ng Setyembre ay ang China Cybersecurity Week.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigan hinggil sa cybersecurity.
Aniya, ang priyoridad ng mga gawaing may kinalaman sa cybersecurity ay pangangalaga sa kaligtasan ng impormasyong personal at lehitimong karapatan ng mga mamamayan sa cyberspace. Sinabi rin ni Xi, na ang cyberspace ay dapat maging ligtas, mapapangasiwaan, bukas, at inobatibo. Dapat aniyang pahalagahan ang kapwa pagdedebelop ng mga bagong teknolohiya at paggamit ng cyberspace at pangangasiwa sa cyberspace alinsunod sa mga batas at regulasyon.
Salin: Liu Kai