Linggo, Setyembre 15, 2019, nagsimulang itanghal sa Pambansang Museo sa Bangkok, Thailand, ang mga mandirigmang terakota noong Dinastiyang Qin ng Tsina.
Ang nasabing pagtatanghal ay magkasamang itinaguyod ng Kawanihan ng Relikyang Pangkultura ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina at Ministri ng Kultura ng Thailand. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na itinatanghal sa Thailand ang mga mandirigmang terakota. Walumpu't anim (86) na aytem, na kinabibilangan ng 17 grade one cultural relics ang itinatanghal dito. Tatagal hanggang Disyembre 15 ang pagtatanghal.
Salin: Vera