Ayon sa proklamasyon ng sirkulo ng turismo ng Hong Kong kamakailan, mula Enero hanggang Agosto ng 2019, bumaba ng 40% ang bilang ng mga manlalakbay sa Hong Kong, at pinakamababa ito sapul nang sumiklab ang epidemya ng severe acute respiratory syndrome o SARS noong 2003. Kaugnay nito, sa kanyang panayam sa China Media Group, ipinalalagay ni George Galloway, dating mambabatas ng Britanya, na ang esensya ng kaguluhan sa Hong Kong ay pagnanais ng Britanya at Amerika na mapahina ang puwersa ng Tsina sa nasabing teritoryo, at hadlangan ang proseso ng pag-unlad ng Tsina. Aniya, kahit alam ng dalawang bansa na imposibleng maihiwalay ang Hong Kong sa Tsina, ginagawa pa rin nila ito.
Si Galloway ay news anchor at current affairs commentator ng maraming TV station. Aniya, ang umano'y "organisasyong di-pampamahalaan" na nagbibigay ng tulong na pondo sa kaguluhan sa Hong Kong ay, sa katunayan, "organisasyon ng pamahalaang Amerikano" at "organisasyon ng pamahalaang Britaniko." Walang alinmang demokrasya ang Hong Kong noong panahon ng paghaharing kolonyal ng Britnya, dagdag ni Galloway.
Salin: Vera