Sinabi ngayong araw, Martes, ika-17 ng Setyembre 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na may pag-asang maidaraos sa susunod na linggo ang unang bukas na diyalogo sa pagitan ng pamahalaan at publiko.
Sinabi ni Lam, na may tatlong pangunahing prinsipyo ang diyalogo. Ayon sa kanya, una, kailangang kumatawan ang mga kalahok sa magkakaibang sirkulo, antas ng lipunan, at posisyon. Ikalawa, dapat maging bukas at transparent ang diyalogo, at puwedeng magkober dito ang media. At ikatlo, walang nakatakdang paksa ang diyalogo, at iba't ibang isyu ang maaaring talakayin.
Dagdag pa ni Lam, ang pagdaraos ng diyalogo ay isa sa mga hakbang para bigyang-wakas ang kaguluhan sa Hong Kong, at sa kasalukuyan, pinakamahalaga pa rin ang pagpigil sa karahasan.
Salin: Liu Kai