|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Huwebes, Setyembre 19 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang Pagkakapantay, Kaunlaran, Pagbabahaginan: Progreso ng Usaping Pangkababaihan sa 70 Taon sapul nang Itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina. Mababasa sa white paper ang mga natamong bunga ng mga kababaihang Tsino sa pantay na paggamit ng demokratikong karapatan, pantay na pakikilahok sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pantay na pagbabahagi ng mga resultang dulot ng pambansang reporma at kaunlaran.
Ayon sa ulat na inilabas ng McKinsey & Company noong 2017, umabot sa 41% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ang ambag ng mga kababaihang Tsino. Nangunguna ito sa iba't ibang bansa't rehiyon sa daigdig.
Nakasaad din sa white paper ang mga ibinigay na ambag ng mga babaeng Tsino sa daigdig. Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,000 ang bilang ng mga babaeng Tsino na nakikilahok sa misyong pamayapa ng United Nations (UN), at ito ang pinakamalaking bilang sa daigdig. Noong 1995, idinaos sa Beijing ang UN Fourth World Conference on Women, kung saan pinagtibay ang Beijing Declaration at Platform of Action para itatag ang estratehikong pakay at balangkas ng patakaran para sa pagpapasulong ng pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae at paggarantiya ng karapatan ng kababaihan.
Anang white paper, walang humpay rin ang pagsisikap ng Tsina para katigan ang pandaigdig na usaping pangkababaihan. Ayon sa plano ng pamahalaang Tsino, mula 2015 hanggang 2020, inilulunsad ng Tsina ang 100 proyektong pang-edukasyon at 100 proyekto hinggil sa kalusugan ng mga batang babae at babae sa iba't ibang umuunlad na bansang dayuhan. Kasabay nito, 30,000 babaeng dayuhan ang iniimtibahan ng Tsina para sa pagsasanay samantalang sinasanay ang 100,000 dayuhang babae sa kani-kanilang bansa.
Masasabing kung walang progreso sa usaping pangkababaihan, wala ring progreso ang pag-unlad ng lipunan. Ang pag-angat ng katayuan ng kababaihan ng Tsina nitong pitong dekada ay sumasalamin sa pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, at karapatang pantao ng bansa. Kasabay ng walang tigil na pagpapasulong ng usaping pangkababaihan ng bansa, magbibigay rin ang Tsina ng mas malaking ambag para mapasulong ang pandaigdig na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |