Idinaos nitong Huwebes at Biyernes, ika-19 at ika-20 ng Setyembre 2019, sa Washington, ang pagsasanggunian sa antas ng pangalawang ministro ng Tsina at Amerika hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.
Isinagawa ng dalawang delegasyon ang konstruktibong diskusyon hinggil sa isyu ng kalakalan. Tinalakay nila ang hinggil sa mga konkretong paghahanda para sa ika-13 round ng high-level trade talks ng Tsina at Amerika na gaganapin sa darating na Oktubre sa Washington. Sinang-ayunan din ng dalawang panig na panatilihin ang pag-uugnayan hinggil sa mga may kinalamang isyu.
Salin: Liu Kai