Sa news briefing na ginanap sa Bangkok, Thailand, nitong Sabado, Setyembre 21, 2019, sinabi ni Sokrethya Sok, Ministro ng Turismo ng Kambodya na ilulunsad sa Oktubre ng kanyang bansa ang Cambodia Tourist Assist (CTA), unang mobile phone tourism application na itataguyod ng pamahalaan, para magkaloob ng impormasyong panturismo sa mga turista ng iba't ibang bansa.
Ayon sa salaysay, may 6 na wika ang nasabing APP na kinabibilangan ng wikang Tsino. Magkakaloob ito ng komprehensibong serbisyo ng impormasyon sa mga aspektong gaya ng ruta ng paglalakbay, transportasyon, tourist spot, otel, pagkain at inumin at iba pa. Mayroon din itong SOS button. Puwedeng humingi ng tulong mula sa kaukulang departamento ng Kambodya ang mga turista kung malalagay sa anumang panganib. Ang naturang APP ay kapuwa angkop sa iOS at Android system.
Salin: Vera