Inilabas ngayong araw, Sabado, ika-24 ng Agosto 2019, ng China Society for Human Rights Studies ang artikulo hinggil sa matagal na di-nalulutas na problema ng karahasang dulot ng baril sa Amerika. Ang problemang ito ay grabeng pagyurak sa karapatang pantao, anang artikulo.
Ayon sa artikulo, nitong ilang taong nakalipas, naganap sa Amerika ang maraming insidente ng pamamaril na nagdulot ng malaking kasuwalti. Ito ay grabeng resultang dulot ng pagkalat ng mga baril sa Amerika, at ipinakikita nito ang malalimang krisis sa sistemang pampulitika at panlipunan ng Amerika, pati rin ang pagkukunwari ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao, dagdag ng artikulo.
Salin: Liu Kai