|
||||||||
|
||
Sa ika-42 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), sa ngalan ng 139 bansa, ipinalabas ni Chen Xu, Embahador ng Tsina sa UN sa Geneva at mga iba pang organisasyong pandaigdig sa Switzerland, ang magkakasanib na anunsyong pinamagatang "Dapat lubos na isakatuparan ang karapatan ng pag-unlad para makinabang ang lahat ng mga mamamayan sa kaunlaran."
Ipinahayag ni Chen na ang kaunlaran ay permanenteng tema ng buong sangkatauhan. Aniya, napapatunayan ng praktis ng iba't-ibang bansa, partikular na ng mga umuunlad na bansa, na napakahalaga ng pag-unlad para sa pagsasakatuparan at pagkakaroon ng karapatang pantao.
Sinabi niya na sa patnubay ng "Declaration on the Right to Development," dapat pasulungin ng iba't-ibang bansa ang pagsasakatuparan ng karapatang ito. Dapat din aniyang igiit ng iba't-ibang bansa ang mapanlikha, koordinado, luntian, at bukas na ideya ng pag-unlad para maigarantiya ang pantay na pakikilahok ng mga mamamayan sa nasabing karapatan at kanilang pagkakaroon ng pamumuhay na may dignidad.
Magkakasunod namang ipinahayag ng mga kinatawan ng mga umuunlad na bansa ang pasasalamat sa nasabing anunsyo. Anila, ito ay nagpapakita ng komong mithiin ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |