Ayon sa ulat kamakailan ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma at Ministri ng Komersyo ng Tsina, ipinatalastas ng Amerika ang pag-aalis ng mahigit 400 uri ng produktong Tsino sa listhan ng mga produktong papatawan ng karagdagang taripa. Samantala, kinakatigan ng panig Tsino ang mga kompanya ng bansa na patuloy na mag-aangkat ng mga produktong agrikultural ng Amerika na gaya ng soybean at karne ng baboy mula sa Amerika. Hindi rin papatawan ng karagdagang taripa ang mga produktong ito, ayon sa Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Ipinahayag pa ng naturang mga departmentong Tsino ang pag-asang, patuloy at positibong pakikitunguhan ng panig Amerikano ang mga pagsisikap ng panig Tsino, para lumikha ng mabuting kondisyon para sa kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura at ibang mga larangan.
Salin: Liu Kai