|
||||||||
|
||
New York — Nitong Miyerkules, Setyembre 25 (local time), 2019, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas hinggil sa Isyung Nuklear ng Iran. Pinanguluhan ni Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) sa mga Suliraning Diplomatiko at Panseguridad, ang pulong na dinaluhan din ng mga Ministrong Panlabas na sina Mohammad Javad Zarif ng Iran, Sergey Lavrov ng Rusya, Jean-Yves Le Drian ng Pransya, Heiko Maas ng Alemanya, at Richard Moore, kinatawan ng Ministrong Panlabas ng Britanya.
Ipinahayag ni Wang na ang pagpataw ng Amerika ng sukdulang presyur laban sa Iran ay pundamental na sanhi ng pagkakaroon ng krisis sa isyung nuklear ng Iran. Aniya, kung hindi kikilos ang mga kaukulang bansa, posibleng maganap ang mas malaking krisis.
Dagdag niya, dapat palakasin ng iba't-ibang bansa ang pangkagipitang hakbangin upang puspusang mapasulong ang paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal at diplomatiko.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |