|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Martes, Agosto 27, 2019 ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, na ang paunang kondisyon ng pagsisimula muli ng diyalogo ng Iran at Amerika ay pagbalik ng huli sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Aniya, dapat isagawa ang talastasan sa ilalim ng balangkas ng kasunduang ito lamang.
Sinabi ni Rouhani, dapat iwasto ng Amerika ang naunang maling polisiya, at kilalanin ang lehitimong karapatan at kapakanan ng Iran. Dagdag niya, hindi hahanapin ng kanyang bansa ang konprontasyon sa kahit anong bansa, at nakahanda itong magsagawa ng pakikipagkooperasyong pangkaibigan sa lahat ng mapagkaibigang bansa.
Sa kanyang pagdalo sa G7 Summit sa Pransya, ipinahayag nitong Lunes ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na kung napapanahon at angkop ang kondisyon, kusang-loob niyang tatanggapin ang mungkahi ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na makipagtalastasan kay Pangulong Rouhani.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |