|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap sa kanyang Iranian counterpart na si Mohammad Javad Zarif, sinabi Lunes, Setyembre 2, 2019 sa Moscow ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya na tinatangka ng Amerika na gumawa ng probokasyon laban sa Iran, at sinira rin nito ang mekanismo ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear.
Sa news briefing pagkatapos ng nasabing pag-uusap, sinabi ni Lavrov na ipinahayag ng Amerika na di-nito kailangang sundin ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), pero hiniling nito sa Iran na mahigpit na ipatupad ang lahat ng mga obligasyon sa kasunduang ito. Saad niya, ang JCPOA ay bunga ng pagkabalanse ng kapakanan, obligasyon at kompromiso ng iba't ibang panig, at hindi ito dapat paghiwa-hiwalayin.
Ipinahayag naman ni Zarif na ang pagtalikod ng Amerika sa JCPOA ay dagok sa buong sistema ng pandaigdigang batas. Aniya, kung hindi boboykotin ng panig Iranyo ang ganitong kilos, hindi lamang JCPOA ang magiging tanging biktima ng aksyon ng panig Amerikano.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |