Idaraos bukas ng umaga, Linggo, ika-29 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang seremonya ng paggagawad ng mga pambansang medalya at pambansang titulong pandangal ng Tsina.
Sa seremonya, gagawaran ni Pangulong Xi Jinping ng dalawang uri ng pambansang medalyang gaya ng Medal of the Republic, at Friendship Medal, at mga medalya ng mga pambansang titulong pandangal ang mga Tsino at dayuhang nagbigay-ambag sa iba't ibang usapin ng bansa nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republikang Bayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai