Bilang isa sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, isang seremonya ng pag-aalay ng basket ng bulaklak sa mga pumanaw na pambansang bayani ang gaganapin sa Araw ng Martir, sa darating na Lunes ng umaga, Setyembre 30, sa Tian'anmen Square sa Beijing, kabisera ng bansa.
Ang nasabing seremonya na pangungunahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay lalahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng bansa.
Ito ang ipinatalastas ng panig opisyal ng Tsina ngayong araw. Ang China Media Group (CMG) ay magsasagawa ng live broadcast hinggil sa gaganaping seremonya. Mababasa ang mga may kinalamang ulat sa website at Facebook page ng Serbisyo Filipino ng CMG.
Salin: Jade
Pulido: Mac