Ayon sa pinakahuling datos, sa kasalukuyan, ang laang-gugulin ng Tsina sa pananaliksik at kaunlaran (R&D) ay nasa ikalawang puwesto sa daigdig, kasunod ng Amerika. Kasabay nito, nangunguna ang Tsina sa daigdig pagdating sa bilang ng mga mananaliksik ng Tsina, at pumapangalawa sa daigdig pagdating sa bilang ng mga de-kalidad na scientific research papers na inilathala sa mga pandaigdig na journal, ayon sa pinakahuling edisyon ng Nature Index. Pangalawa rin ang Tsina sa daigdig hinggil sa pinaka-sinipi o most-cited na paper ng mga alagad ng agham na Tsino. Walong taong singkad na nangunguna sa daigdig ang bansa pagdating sa bilang ng mga patent application.
Lampas sa 55% ang ambag ng siyensiya't teknolohiya sa paglaki ng kabuhayan ng Tsina.
Ipinakikita ng nasabing mga datos, ang buong-sikap na pananangan ng Tsina sa sarilinang inobasyon at pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip ay nagreresulta sa walang-humpay na produksyon ng mga bagong teknolohiya, baong materyales, at bagong produkto. Bunga nito naisakatuparan ng kabunayan ng Tsina ang sustenableng mabilis na paglago.
Salin: Jade
Pulido: Mac