Ayon sa pinakabagong Nature Index 2019 Biomedical Sciences, isang suplemento ng Nature, nangunguna pa rin ang Amerika sa Biomedical Sciences sa buong mundo, pero nagsisikap ang Tsina ngayon na maabot ang puwestong ito. Inaasahang madaragdagan ang output ng siyentipikong pananaliksik ng Tsina.
Unang beses na binigyang-diin ng Nature Index ang mga paggawa sa Biomedical Sciences ng mga pasilidad ng pananaliksik ng iba't ibang bansa. Ipinakita ng mga datos na nanguna ang mga Amerikano sa larangang ito. Parehong nangunguna ang Amerika sa puhunan at output ng siyentipikong pananaliksik. Subalit nabawasan na ang kanilang pondo at bumaba na rin ang magandang kalidad na produktong pang-agham.
Unti-unting lumalapit ang Tsina sa Amerika sa output ng siyentipikong pananaliksik. Sa pagitan ng 2012 at 2018, pumangalawa sa buong mundo ang kabuuang output ng Tsina sa Biomedical Sciences. Nalampasan nito ang maraming bansa tulad ng United Kingdom, Alemanya, Hapon at iba pa. Higit sa 140% ang karagdagang output ng Tsina mula 2012 hanggang 2018.
Ihinanay din ng Nature Index ang mga sentro ng pananaliksik sa buong mundo batay sa datos ng output ng pananaliksik sa Biomedical Sciences mula 2015 hanggang 2018. Sa unang limampung instituto, may 34 na Amerikano at 3 Tsino, nakinabibilangan ng Chinese Academy of Sciences (CAS), Peking University (PKU) at Tsinghua University (THU).
Kasama sa unang sampung institusyon ay Havard University, National Institutes of Health (NIH) ng Amerika, CAS, Stanford University, Max Planck Institute (MPI) ng Alemanya, University of California San Francisco (UCSF), Yale University, University of Pennsylvania (UPenn), University of California San Diego (UCSD) at University of Oxford.
Salin: Christine