Sa pagtataguyod ng Press Center para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina, idinaos kagabi, Sabado, ika-28 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang bangkete bilang panalubong sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhang nagkokober sa selebrasyong ito. Lumahok sa bangkete ang halos 500 mamamahayag.
Sa bangkete, ipinahayag ni Xu Lin, Puno ng nabanggit na press center, ang mainit na pagtanggap sa mga mamamahayag. Sinabi niyang, sa buong araw ng darating na Oktubre 1, idaraos ang maraming makukulay na aktibidad ng selebrasyon, at ito ay isang malaking pangyayari para magkober.
Ipinahayag naman ng mga dayuhang mamamahayag, na sa kasalukuyang biyahe sa Tsina, sinaksihan nila sa pamamagitan ng sariling mga mata ang pag-unlad ng bansa, at nag-iwan ito ng malalim na impresyon sa kanila.
Salin: Liu Kai