Beijing — Maringal na idinaos Linggo, Setyembre 29, 2019 ang seremonya ng paggagawad ng pambansang medalya at titulong pandangal ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Magkakahiwalay na ginarawan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ng "Medalya ng Republika," "Medalya ng Pagkakaibigan," at "Pambansang Titulong Pandangal" ang 42 personaheng Tsino at dayuhan
Sa kanyang talumpati, sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), Konseho ng Estado, at Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot muna ni Pangulong Xi ang kanyang mainit na pagbati at taos-pusong respeto sa mga modelong bayani na nakakuha ng "Medalya ng Republika" at "Pambansang Titulong Pandangal," at mga dayuhang ginawaran ng "Medalya ng Pagkakaibigan." Tinukoy niya na ang mga ginawaran ay mga kinatawan na nakakapagbigay ng napakalaking ambag para sa usapin ng CPC at mga mamamayan.
Para sa anim na kaibigang dayuhan na nakuha ang "Friendship Medal," ipinahayag ng pangulong Tsino ang taos-pusong pasasalamat sa kanilang ibinibigay na ambag para sa pag-unlad ng Tsina. Nakahanda aniya ang mga mamamayang Tsino na magsikap kasama ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan at maging mas maganda ang buong mundo.
Salin: Lito