Bukas ng umaga, Oktubre 1, 2019, maringal na gaganapin sa Tian'anmen Square, Beijing ang Pulong bilang Pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Sa panahong iyon, bibigkas ng mahalagang talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC. Pagkatapos nito, pasisinayaan ang maringal na paradang militar at parada ng mga mamamayan.
Isasagawa naman ng mga istasyon ng radyo, telebisyon, at website ang live coverage sa nasabing mga pangyayari.
Salin: Lito