|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), isang maringal na palabas na pansining ang idinaos nitong Linggo, Setyembre 29, sa Beijing, dalawang araw bago ang Pambansang Araw ng bansa na matatapat sa Oktubre 1.
Mahigit 4,000 kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng Tsina na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nanood sa nasabing pagtatanghal sa Great Hall of the People.
Tampok sa pagtatanghal na binubuo ng apat na bahagi ang simponya, koro, pagbibida ng tula, at sayaw.
Ipinakikita ng nasabing pagtatanghal ang pagsubok at pagpupunyagi ng sambanayang Tsino para palayain ang bansa, isagawa ang reporma't pagbubukas at isakatuparan ang mga pangarap na pangkaunlaran sa siyensiya't teknolohiya, kabuhayan, kultura at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |