Sa bisperas ng Pambansang Araw ng Tsina na matatapat sa Oktubre 1, idinaos nitong Linggo, Setyembre 29, sa Beijing ang seremonya ng paggagawad ng pambansang medalya't titulong pandangal. Kasama ng iba pang limang dayuhan, ginawaran ng Medalyang Pangkaibigan, pinakamataas na karangalan ng Tsina, si Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand.
Sa ngalan ng mga medalistang dayuhan, nagtalumpti ang prinsesang Thai sa seremonya. Sa panayam ng China Media Group (CMG), sinabi ng prinsesa, "Taglay ng medalya ang kabutihan at pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino sa amin. Gusto namin ang Tsina, at gusto naming makipagkaibigan sa mga mamamayang Tsino."
Ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Noong 1981, sa kauna-unahang pagkakataon, tumuntong sa Tsina si Prinsesa Sirindhorn. Ngayon ay ang kanyang ika-49 na biyahe sa Tsina. Mababakas sa bawat biyahe niya ang pagpapakilala at pagpapalalim ng pagkakaibigang Tsino-Thai.
Siyam na gurong Tsino ang nagturo sa prinsesang Thai kaugnay ng wika, kultura at kasaysayan ng Tsina, ayon sa pagkakasunud-sunod. Sa pamamagitan ng APP sa wikang Thai ng CMG, napakinggan ni Prinsesa Sirindhorn ang awiting Tsino na Pangungulila na kinanta ng kanyang mga gurong Tsino. Ipinahayag din ng prinsesa ang pag-asang mas maraming mamamayang Thai ay makikinig sa mga programa ng CMG Thai Service para matuto ng wikang Tsino at mapalalim ang kaalaman hinggil sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio