|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ng pamahalaan at panig pulisya ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina ang mariing kondemnasyon at pagkapoot sa estrimistang karahasang isinagawa kahapon ng mga radikal sa ilang mga lugar ng Hong Kong.
Sinabi ng tagapagsalita ng HKSAR na ang nasabing mga karahasan ay nagsilbing banta sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Hong Kong, at nakapinsala rin ito sa kaayusang panlipunan. Kaya, karapat-dapat itong kondenahin ng buong lipunan.
Ang Oktubre 1 ay Pambansang Araw ng Tsina. Maraming tao ang nakisangkot kahapon sa di-awtorisadong pagtitipun-tipon. Nauwi ito sa karahasan na gaya ng panununog sa mga istasyon ng MTR, paghahagis ng mga petrol bomb, paninira sa mga tindahan at mga ari-ariang pampubliko, paghadlang sa mga gawain ng mga pangkat ng pamatay-sunog at ambulansiya, pagsunog ng pambansang watawat, at paninira sa mga ari-arian ng mga opisina ng pamahalan ng Hong Kong sa Cheung Sha Wan at Tsuen Wan.
Dagdag pa ng tagapagsalita, binalak at inorganisa ang naturang mga karahasan, at tangka nitong magdulot ng kaguluhan sa Hong Kong. Kaya, dapat isagawa ng kapulisan ang katugong hakbangin para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Ayon sa panig pulisya, mahigit 180 katao ang inaresto dahil sa karahasan kahapon. Samantala, 25 pulis ang nasugatan dahil sa pag-atake ng mga radikal.
Hiniling din ng tagapagsalita sa mga magulang at guro na payuhan ang kanilang mga anak at estudyante na huwag udyukang makilahok sa mga di-awtorisadong pagtitipun-tipon.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |