|
||||||||
|
||
Muling ipinahayag ng Tsina ang mariing representasyon sa pakikialam ng ilang mambabatas na Amerikano sa suliranin ng Hong Kong, at hinimok silang itigil ang panghihimasok sa anumang porma sa suliraning panloob ng Tsina.
Inulit ang nasabing paninindigan ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Setyembre 19, sa Beijing.
Ayon sa ulat, nauna rito, idinaos ni House Speaker Nancy Pelosi, kasama ng ilang mababatas ng Mababang Kapulungan ng Amerika, ang preskon hinggil sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act para sa 2019. Ani Pelosi, suportado ang nasabing panukala ng kapuwa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Amerika.
Hinimok ni Geng sina Pelosi na igalang ang soberanya ng Tsina, itigil ang pagpapasulong ng nasabing panukala, at itigil ang suporta sa mga radikal at separatistang puwersa ng Hong Kong.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |