Nitong Miyerkules, Setyembre 18, 2019, nakipagtagpo sa Washington si House Speaker Nancy Pelosi ng Estados Unidos sa ilang separatista ng Hong Kong, sa ngalan ng karapatang pantao, demokrasya at kalayaan. Tulad ng kilos ng ilang personaheng Amerikano na hinanap ang "ahente" para ilunsad ang "color revolution" sa ibang rehiyon, ang aksyon ni Pelosi ay nagbunyag ng tangka niya sa paglulunsad ng "color revolution" sa Hong Kong, at panggugulo sa Tsina. Kahit nakikipagsabwatan ang mga separatista ng Hong Kong sa mga kanluraning puwersang kontra-Tsina, hinding hindi magtatagumpay ang kanilang tangka.
Si House Speaker Nancy Pelosi ng Estados Unidos (File Photo: AP via IC)
Ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ng Tsina ang pakikialam ng puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Hong Kong at mga isyung panloob ng Tsina. Ang anumang tangkang sirain ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at kasaganaa't katatagan ng Hong Kong ay tiyak na tututulan ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Kung lilitaw ang kaguluhan sa Hong Kong na di-makokontrol ng pamahalaan ng espesyal na rehiyong administratibo, may sapat na paraan at malakas na kakayahan ang pamahalaang sentral na mapuksa ang iba't ibang uri ng kaguluhan. Hinimok ng panig Tsino ang ilang pulitikong Amerikano na agarang itigil ang panggugulo sa Hong Kong, kung hindi, tiyak na magbabayad sila.
Salin:Vera