Sa okasyon ng pagdiriwang ng Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ipinahayag ni Khammany Inthirath, Ministro ng Enerhiya't Pagmimina ang pagbati sa Tsina.
Ani Khammany, nitong 70 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kahanga-hangang tagumpay at ang karanasan ng bansa ay karapat-dapat na matutunan.
Dagdag pa ng ministrong Lao, kasabay ng pagpapasulong ng sariling pag-unlad, aktibo rin ang Tsina sa pagpapasulong ng komong kaunlaran. Nakikinabang aniya ang iba't ibang bansa sa Belt and Road Initiative (BRI). Ang konstruksyon ng daambakal na nag-uugnay ng Tsina't Laos ay huwaran ng magkasamang pagpapasulong ng BRI para sa komong kasaganaan, diin ng ministrong Lao.
Salin: Jade