|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pangkagipitang batas ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na nagbabawal sa paggamit ng maskara, ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 4, 2019 ni Tagapagsalita Yang Guang ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, na kinakailangan ang nasabing batas. Ito aniya ay makakatulong sa pagbibigay-dagok at pagpigil sa mga marahas na krimen at pagpapanumbalik ng kaayusang panlipunan.
Ani Yang, idineklara ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR, na ipinasiya na niya kasama ng lupon ng Executive Council, na alinsunod sa "Emergency Regulations Ordinance," ipatupad ang "Regulasyon ng Pagbabawal ng Paggamit ng Maskara," at nagkabisa ito ngayong araw, Oktubre 5. Ayon sa regulasyong ito, hindi puwedeng gamitin ng sinuman ang face mask sa pampublikong rally o demonstrasyon para pigilan ang pagkilala ng panig pulisya sa kanilang identidad, at ituturing itong kilos na kriminal kung lalabag sa regulasyon.
Dagdag pa ni Yang, di dapat payagang magtuloy ang kasalukuyang kaguluhan sa Hong Kong, at ngayon ay nasa mahalagang panahon para pigilan ang karahasan at kaguluhan sa pamamagitan ng mas malinaw na atityud at mas mabisang hakbangin. Buong tinding sinusuportahan ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao sina Carrie Lam, pamahalaan, panig pulisya, at organong pambatas ng HKSAR sa paggamit ng lahat ng kinakailangang hakbangin para mabigyang-parusa ang lahat ng marahas na kriminal.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |