Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-4 ng Oktubre 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na pagkaraan ng pag-aaproba ng gabinete ng HKSAR, itinakda, sa ilalim ng emergency law, ang regulasyong nagbabawal sa pagsusuot ng mga demonstrador ng maskara. Ito aniya ay para bigyang-wakas sa lalong madaling panahon ang kaguluhan at karahasan sa Hong Kong, at panumbalikin ang kaayusan ng lipunan.
Ayon pa rin kay Lam, magkakabisa ang regulasyong ito simula bukas, ika-5 ng Oktubre.
Salin: Liu Kai