|
||||||||
|
||
Kasama ng lupon ng Executive Ccouncil, ipinasiya nitong Biyernes, Oktubre 4, 2019 ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na buhayin ang "Emergency Regulations Ordinance" para ipatupad ang "Regulasyon ng Pagbabawal ng Paggamit ng Maskara," at nagkabisa ito Sabado, Oktubre 5. Kaugnay nito, magkakasunod na nagpahayag ng pagsuporta ang mga pangunahing media at iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng Hong Kong.
Ayon sa editoriyal ng pahayagang "Takungpao," tinukoy nito na ang pagpapatupad ng nasabing batas ay isang mahalagang hakbang para mapigilan ang karahasan at kaguluhan, at mapanumbalik ang kaayusang panlipunan. Ito anito ay nakakatulong sa pagbabawas sa pagkakasangkot ng mga bata sa krimen, at ipinakikita ang karapat-dapat na tungkulin ng isang responsableng pamahalaan.
Ayon naman sa editoriyal ng pahayagang "Wenweipo," ipinahayag nito na ang nasabing batas ay nagkakaloob ng mas malakas na sandatang pambatas sa pagpapatupad ng batas ng mga pulis. Ito anito ay kinakailangang paraan para mapigilan ang karahasan at kaguluhan, at maigarantiya ang seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.
Ipinalalagay ng pahayagang "Hong Kong Commercial Daily (HKCD)" na nakakatulong ang face mask ban sa pagtatanggol sa pangangasiwa alinsunod sa batas, pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas. Napakalaking papel nito para mapanumbalik ang kaayusang panlipunan sa Hong Kong, anito.
Bukod dito, ipinahayag ng Business and Professionals Alliance for Hong Kong (BPA), Hong Kong Friendship Association, Chinese General Chamber of Commerce, Hong Kong Chinese Importers' and Exporters' Association, at iba pa, ang kanilang buong tinding pagkatig sa face mask ban. Umaasa anila silang mababawasan ng nasabing batas ang mga marahas na aksyon, at mapapahupa ang sagupaang panlipunan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |